I hate MOA IMAX!!! Di na kami manonood dun ever!
Marami naman ng nagsusulputan jan na may 3D.
Contrary sa mga blog na nabasa ko - OK lang maupo sa unahan-mas feel mo nga yung pagka3D.
Hindi naman nila sinagad sa taas at baba yung papakita nila. Di ko tuloy nafeel yung "8 storey-high" daw!?
Hindi naman kalinawan. So aun kahit paano enjoy naman kami nung una kasi first time namin sa 3D.
Tapos ilang minutes after, nagblangko na yung screen? "Sorry for the interruption" daw? ang akala namin na mabilis lang eh inabot na ng 30mins...
Badtrip na badtrip na kami as in. Ang init pa.
tapos nagresume...maya-maya bigla ulit nagblankout. Aun alisan na yung mga tao. Cancelled na daw. Pila daw kami sa ticketbooth regarding sa mga ticket namin.
At sa halip na cash ang refund, imax movie card!!! And we are like "what???" and sabi nung counter eh "1 year pa naman po b4 magexpire yan".
So anu naman dadayuhin namin sa Imax? Eh wala na kami inaabangan for the year.
And Haler as if I like pa manood sa imax, eh no choice naman. Alam mo yun nageffort ka na pumnta dun, si chel galing pa laguna at kuya jeff galing pa LB.
Pareserved pa kami via phone (mega redial) at nagbayad sa megamall. Minsan na nga lang ako manood sa big screen!!!! GRRRR!!!
Tapos parang di pa sila sincere or very sorry sa nangyari kesyo first time din daw mangyari yun!!! Super lugi ang P400 ha sana nagUltra7 na lang kami!!!
Kasira ng araw! Sayang naman ang punta nung 2 galing laguna, no choice kundi gamitin yung imax movie card for the next time slot!
Move ON!
kumain na muna kami at naglakad-lakad pampalipas oras.
So aun take 2,picturan nalang haha
Wala ng sira, mabilis na blank out lang ulit sa part na sira, tapos derecho na.
Ang kulang naman ng kwento ng HP6 pero pwede na, sana may mga ibang scene na lang na di maxado sila nagfocus para sa mga scenes na tingin ko eh mas importante.
Mejo nalimutan ko ang badtrip tapos nung natapos na naalala ko ulit ang perwisyong dulot. May ppuntahan pa kasi dapat kami.
At ayun sabi namin di na kami manonood dun kahit kelan!!!
ganun?! im planning to watch HP7 sa MOA IMAX pag meron na.hehehe! but since hindi naging maganda ang experience mo sa IMAX yoko na din. tama ng big screen na lang.
ReplyDeleteregarding sa story ng movie, hayyysss...as expected! lage naman bitin ang movie at maraming differences. kaya di ko muna binabasa yung book hanggang di ko napapanood ang movie para di masyado nakakadisappoint pag pinanood ko. yun lang atat na atat na ko magbasa talaga!